BUILDING PARTNERSHIPS TOWARDS
AFFORDABLE HOUSING TEMA NG 9th AGM
​
Gaganapin ang ika-Siyam na Taunang Pagpupulong (9th AGM) ng One Filipino Cooperative of BC sa Sabado, Mayo 5, 2018, 1:00-6:00 ng hapon sa Killarney Community Centre sa Vancouver.
Sa ilalim ng temang "Building Partnerships Towards Affordable Housing," bibigyang diin ng Filco-opBC ang kahalagahan na tugunan ang umiiral na krisis sa pabahay para sa mga middle class ng Vancouver at Lower Mainland.
Bagong layunin ng FilCo-opBC na makibanabang ang mga miyembro nito sa mga itinatag at inilunsad naaffordable housing options ng federal, provincial at city governments. Sumapi ang FilCo-opBC sa pagtugon ng layuning ito nuong itatag nito ang FilCooperative One Housing Society nuong 2017 para makinabang ang mga miyembro sa mga programang pabahay ng pamahalan, pribadong sektor or samahang pangkomunidad.
Tampok sa darating na Taunang Pagpupulong ay ang pagpaparangal sa mga natatanging kasapi na aktibong nakilahok sa mga programa at serbisyo ng FilCo-opBC.
​
Ipamamahagi din sa mga miyembro ang kinita ng Kooperatiba sa nakaraang taong 2017 sa pamamagitan ng kanilang tsekeng nagsasaad ng kanilang matatanggap na profit sharing at patronage refund ayon sa prinsipyo ng samahang kooperatiba.
​
Mahalaga ang Taunang Pagpupulong ng isang kooperatiba dahil dito nag-uulat ang mga opisyales ng samahan sa nagdaang taong takbo ng operasyon at pamamahala nito sa pang negosyo at pang samahang aspeto.
Dito rin maghahalal ng mga bagong opisyales tulad ng Board of Directors at mga members ng standing committees gaya ng credit committee, audit and inventory committee at election committee.
Sa darating na Mayo 5 ilulunsad ng FilCo-opBC ang Telecom Program ng CHFBC at TELUS sa mga miyembro. Ang anunsiyong gagawin ay inaasahang maakit ang may gustong makatamo ng 50% discount sa kasalukuyang halagang ibinabayad sa HD TV, High Speed Internet at Home Phone ng Telus. Inimbita sa paglulunsad na ito si Arnold Sang, Program Director ng CHFBC Telecom Program at ang kinatawan mula sa TELUS.
Naimbitahan din para magbigay ng maikling mensahe sina MLA Mable Elmore at Vancouver Councillor Hector Bremner kasama ang Pinay na maybahay na si Virginia Bremner.
y.
MATAGUMPAY na inilunsad ang Telecom Program sa ika-Siyam na Taunang Pagpupulong o Annual General Meeting ng mga kasapi ng One Filipino Cooperative of BC (FilCo-opBC). Ginanap ang pagdiriwang noong ika-5 ng Mayo 2018 sa Killarney Community Center, Vancouver.
Ang Telecom Program ay ekslusibong programa para sa mga kasapi ng FilCoopBC thru an agreement with the Cooperative Housing Federation of BC (CHFBC) and TELUS upang makapagbigay ng 50 % discount sa retail prices ng Optik TV at High Speed Internet. Ang paglulunsad ay dinaluhan nina Raymond Sang, CHFBC Telecom Program Director at Thalia Attal ang Coordinator ng programa.
Tampok din sa AGM ay ang taunang pag-uulat ng Pangulo at mga gawain ng samahan, ang pag-uulat sa operasyon ng negosyo at pang pinansiyal na nagkaroon ng positibong pagtaas sa kinita at pagdami ng mga kasapi pati ang mga sosyo nito sa kooperatiba.
​
Iniulat din ang mga naisagawang pakikipag-ugnayan ng Fil Co-operative One Housing Society sa iba’t ibang ahensiya upang isulong ang affordable housing initiative ng FilCoopBC.
Panauhing pandangal si Vancouver Councillor Hector Bremner at ang kanyang Pinay na maybahay na si Virginia Bremner. Nagbigay si Councillor Bremner ng mensahe at inspirasyon tungkol sa samahang FilCo-opBC na malaki ang magagawa sa pagtulong sa mga kababayang Pinoy lalo na sa aspetong pabahay.
​
Nagbahagi din ng mga testimonials ang ilang kasapi tungkol sa mga karanasang nagawa at naitulong sa kanila ng mga programa at serbisyo ng FilCo-opBC. Pangunahin dito ay ang Pahiraman ng Bayan at FilCo-opBC/Iremit Padalahan money remittance service. Ibinahagi nila ang serbisyo ng pahiraman na kung saan ay natutugunan lalo na ang mga biglaang pangangailangan. Binahagi din ang kagandahan at kumbenyente sa paggamit ng padalahan service dahil kahit text or tawag lang ay napapadala na agad ang pera sa Pinas at maliban sa extended hours of operation.
​
TELECOM PROGRAM INILUNSAD SA 9TH AGM