ABOUT US
Ang Simula: One Filipino Cooperative of British Columbia (One Fil-Coop)
Bilang isang samahan ay nakapagtalaga ito ng mga opisyales na siyang nagsimulang magplano at magpatupad ng mga programa at serbisyo bilang isang kooperatiba.
Nailunsad noong Oktubre taong 2009 matapos ang ilang konsultasyon na dinaluhan ng ilang samahan at mga lider ng pamayanang Pinoy dito sa Metro Vancouver. Sa pagsisimula ay nakasama dito ang Multi Cultural Helping House Society, Filipino Social Workers Association of BC, Filipino In Richmond Society at Filipino Circle ng Parent Support Services Society. Naisagawa ang mga consultation meetings at workshop na may titulong: “Coping with the Present Economic Crisis, a Cooperative Way” noong June at July 2009. Dito nakabuo ng mga task forces para magplano ng mga kailangang hakbang para isakatuparan ang pagbubuo ng isang Kooperatibang Pinoy.
Fil-Coop in a Glance
Certificate of Registration
Naging opisyal na organisation ang One Filipino Cooperative of BC noong nabigyan ito ng Certificate of Registration ng BC Registry noong January 08, 2010.