

PROGRAMA AT SERBISYO
Pahiraman ng Bayan
Micro Lending Program
Ang FilCo-op BC’s Pahiraman ng Bayan Micro Lending Service ay serbisyo para sa mga kasapi ng Kooperatibang nangangailangan ng mabilis na pagkakautangan lalo na kapag may emergency. Ito ay serbisyo lalo na sa mga miyembro na baguhan at wala pang credit history sa mga tradisyonal at pormal na lending institutions tulad ng mga bangko, at payday loans services. Ang Pahiraman ng Bayan Micro-Lending Service ay flagship service para sa mga miyembro ng kooperatiba lalo na ang mga bagong immigrant, live-in caregivers, at temporary foreign workers na may pangangailangan pinansiyal.
Noong August 15, 2011 nagbigay ng grant ‘seed money’ ang VanCity para sa Pahiraman ng Bayan ng OneFilCoop. Dinaluhan ang signing ng grant and partnership nina Andy Broderick, Vice President of VanCity Community Investment; Catherine Ludgate, Manager, Community Investment; Heather Gordon and Bravefh Chauhan, Program Managers, Micro Finance from VanCity Credit Union.

Vancity signs partnership agreement with
One Filipino Cooperative of British Columbia
Padalahan ng Bayan
FilCo-op-IREMIT

Isa pang programa ay ang serbisyong FilCo-op Iremit Padalahan ng Bayan . Nakipag-partner ang One Filipino Cooperative of BC sa Iremit Canada Limited, isang established money remittance service provider para magbigay ng maayos na serbisyong padalahan sa ating mga kababayan.
Sending money to our FilCo-op Iremit Padalahan ng Bayan is more easy and convenient, and more pakinabang kaysa magpadala sa ibang service providers. Mas lalong malaking pakinabang kung miyembro ka ng FilCo-op.
TAWAG LANG PWEDE NA! deposit thru online banking or email interact transfer. Save your time, save your gas/bus tickets. Save your money.
Pauwi sa Pilipinas Fly Now Pay Later

New Victory Travel na pag-aari ng isang member ng FilCoop naman ang partner para sa mga nais maka-avail ng murang ticket pauwi sa Pinas. Ang serbisyong ito ay malaking tulong sa mga kasapi lalo na yung mga mga emergency situation at kailangan agad na makauwi. Hahanapan kayo kung saan ang may pinakamura or may "sale" na return ticket mula sa ibat-ibang airlines.
Damayang Pinoy Program
Sa programang ito ay nais na sa abot ng ating kakayanan ay maipahatid ang taus puso pakikiramay sa ating kapwa lalo na sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Dahil dito ay nabuo ang Damayang Pinoy Progam na isa sa serbisyo at programa ng FilCo-op upang maisabuhay at maipakita ang pagtulong at pagdamay sa mga kapwa may-ari at kasapi. Maliban sa pagpapahatid ng taus pusong pakikiramay, ang munting halaga na ating maibabahagi kapag pinagsama sama ay malaking tulong sa ating kasapi upang maibsan ng bahagya ang kanilang pinansiyal na pangangailan at makatulong sa pamilyang naiwan.

Networking, Job Posting at Referral Services
Nakakatulong din sa ating mga kababayan ang Networking, Job Posting at Referral Services na kung saan ang mga kasapi ay mayroong malalapitan sa iba pang pangangailangan.
Social Development Program
Idagdag pa dito ang taunang social and team building activities tulad ng Grotto Pilgrimage sa Portland, USA, Group Camping and trips, Summer Family Picnics and Bingo at the Park at iba pang salu-salo. Nakikilahok din ang FilCo-op sa mga community activities and events tulad ng Independence Day Celebration, Hirit sa Tag-init Parade at iba pa.
"Sa pangkalahatan, nabuo ang One Filipino Cooperative of BC sa layuning isabuhay ang kulturang bayanihan at makatulong iangat ang kalagayan at kamulatan ng ating mga kababayan sa kahalagahan ng pag-iimpok at wastong paggasta tungo sa isang Financial Independence."